Tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Detroit Pistons sa iskor na 125-94 sa Game 7 na ginanap sa teritoryo ng huli, upang umusad sa Eastern Conference Finals sa unang pagkakataon mula noong 2018. Pinangunahan ni Donovan Mitchell ang koponan sa pamamagitan ng kanyang 26 puntos, anim na rebounds, at walong assists.
Nagpakita ng dominadong laro si Mitchell na walang kahit isang turnover, at siya ang naging unang guard simula kay Kobe Bryant noong 2002 na nakapagtala ng hindi bababa sa 25 puntos, limang rebounds, at limang assists sa isang Game 7. Kontrolado ng Cavaliers ang laro matapos ang kanilang maagang ratsada at hindi na hinayaan pang makalapit nang husto ang Pistons pagkatapos ng unang quarter.