Umarangkada ang New York Knicks sa NBA Finals sa unang pagkakataon simula noong 1999. Hinihintay na lamang nila ang mananalo sa Western Conference Finals sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs.
Winakasan ng Knicks ang serye laban sa Cleveland Cavaliers sa pamamagitan ng sweep upang makuha ang korona ng Eastern Conference. Hinirang na Eastern Conference Finals MVP si Jalen Brunson matapos ang pagkapanalo nila nitong Lunes. Papasok ang koponan sa Finals na may dalang 11-game winning streak na nagsimula pa noong Abril 23.