3x3
Nagwagi ang Gilas Pilipinas 3x3 laban sa Thailand, 17-15, upang makapasok sa main draw ng FIBA 3x3 Asia Cup sa Singapore. Si Jerrick Ahanmisi ang nag-score ng mahalagang two-pointer sa huling minuto para maawat ang pagbalik ng kalaban. Susunod, lalaban sila sa Mongolia at Chinese Taipei sa Pool A.