Bureau of Fire Protection
Sumiklab ang malaking sunog sa isang residential area sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City noong Biyernes ng gabi, na umangat sa Task Force Bravo bago ideklara na kontrolado ng mga bumbero sa madaling araw ng Sabado. Apektado ang mahigit 3,000 pamilya ayon sa maagang ulat ng barangay. Nagpapatuloy ang assessment ng mga awtoridad sa pinsala at sanhi ng insidente.