Pag-iimpok ng enerhiya
Pinayagan ng Department of Education na mag-work-from-home tuwing Biyernes ang mga school-based personnel sa panahon ng end-of-school-year break. Inilabas noong April 9 ang memorandum ni Undersecretary Fatima Lipp Panontongan na nagbabago sa naunang patakaran. Ito ay bahagi ng pagsisikap sa pagtitipid ng enerhiya.