Israel-Hezbollah
Hinihikayat ni Philippine Ambassador sa Lebanon na si Marlowe Miranda ang Department of Foreign Affairs na ipataw ang Alert Level 4 o mandatory evacuation ng mga Pilipino sa gitna ng patuloy na pagbobomba ng Israeli jets sa Beirut. Nanganganib ang buhay ng humigit-kumulang 15,000 na mga domestic helper at kanilang mga dependent. Ayon kay Miranda, lumalala ang humanitarian crisis sa Lebanon dahil sa sagupaan ng Israel at Hezbollah.