LPA
Apektado ang mahigit 57,000 pamilya o 132,849 indibidwal sa iba't ibang rehiyon ng bansa dahil sa pinagsamang epekto ng low-pressure area (LPA), amihan at shear line, ayon sa NDRRMC. Nagresulta ito sa pagbaha, pinsala sa mga tahanan at abalang trapiko sa mga daan at pantalan. Nagbigay ng tulong na P885,290 sa mga nasalanta.