OWWA
Humihiling ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng karagdagang P12 bilyon mula sa Department of Budget and Management para sa repatriation at reintegration ng mga overseas Filipino workers na naapektuhan ng krisis sa Middle East. Sinabi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan na 55% na ng kanilang budget ngayong taon ang nagastos na. Hanggang Biyernes, 6,706 na ang repatriated na Pilipino.