Prioridad na panukala
Napasa ng Kamara ng mga Kinatawan 18 sa 52 priority pieces of legislation na itinakda ng Legislative-Executive Development Advisory Council bago ang Lenten break nito. Binigyang-pugay ni Speaker Faustino Dy III ang sama-samang pagsisikap ng mga miyembro ng Kamara. Hindi kasama rito ang controversial Anti-Political Dynasty bill na tinawag na 'watered-down' ng oposisyon.