Noong Lunes, Hulyo 20, 2026, pinagbigyan ng Senate impeachment court ang kahilingan ng prosecution na subpoena ang bank at tax records ni Vice President Sara Duterte at asawa niyang si Mans Carpio.
Ang mga dokumento mula sa BIR, AMLC, at mga bangko ay kailangang isumite sa Hulyo 30. Kinakailangan ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago mailabas ng BIR ang tax records.
Sinabi ng defense spokesperson na si Michael Poa na inaasahan nila ang ruling at posibleng humingi ng legal remedies, kasama na ang pagpunta sa Supreme Court.
Sa Hulyo 21, 2026, ang ikawalong araw ng trial, magpapatotoo si NBI Director Melvin Matibag bilang huling witness sa Article IV na may kinalaman sa grave threats.