Siyam sa 11 katao na kinasuhan ng graft at malversation kaugnay ng diumano'y anomalya sa flood control project sa Bulacan ay nasa kustodiya na ng gobyerno matapos arestuhin si contractor Curlee Discaya II.
Inaresto ng Philippine National Police si Discaya sa Senado kahapon. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ang mga akusado ay humaharap sa dalawang kaso: Criminal Case 307M202 para sa paglabag sa Republic Act 3019 at Criminal Case 3573M2026 para sa malversation ng pondo.
Kasama sa mga dinakip sina Sarah Discaya, Ma. Angeline Discaya Rimando, Merg Jaron Caparas Laus, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Norberto Santos, Juanito Mendoza at Floralyn Simbulan. Dalawang empleyado ng DPWH na sina Ernesto Galang at Lorenzo Pagtalunan ang nananatiling malaya.
Sinabi ni Discaya na ginamit at iniwan siya ng mga pulitiko. “Politicians used me and then abandoned me,” aniya. Iginiit niya na walang ghost projects ang kanyang kompanya at lahat ng kontrata ay natupad ayon sa espesipikasyon.